2 bus sa isang terminal sa Maynila, nagliyab; Dahilan ng sunog hindi pa tuluyang natutukoy

Nagliyab ang dalawang bus na pagmamay-ari ng Eaglestar Transit Corp. kaninang bandang alas otso singkwenta’y uno ng umaga sa Dimasalang Road, Sta. Cruz Manila.

Ito ay matapos umanong umusok ang isa sa mga ito na may body number 5382 na sinundan naman ng pagliyab na siyang naging dahilan ng pagkasunog pa ng isa.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), patuloy pa rin nilang inaalam ang dahilan ng sunog at maging halaga ng pinsalang naidulot nito.

Samantala, binigyang-linaw naman ng awtoridad na walang casualty na naitala dahil na rin sa walang pasaherong sakay ang mga ito noong mangyari ang pagkasunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *