2 Canine rabies naitala na sa Naga City; 98% ng mga nakakagat sa lungsod mismong may ari ng hayop

NAGA CITY-Dalawang kaso na ng canine rabies ang naitala sa Naga City simula Enero hanggang nitong Marso 2023.

Ito ay ayon sa record ng City Veterinary Office. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Veterinarian Dr. Junius Elad binanggit nito na ang mga nakagat ng rabies infected na aso ay kaagad na  na nahanap napabakunahan sa Animal Bite Center.

Sa dog bite incident report sa oposina at sa mga veterinary clinic sa lungsod, 98% ng nakakagat ng aso ay mismong may ari nito habang 2% naman ang sa pampublikong lugar. Noong 2021 , pito ang naitalang kaso ng rabies,  12 naman noong 2022.

Ang Marso ay Rabies Awareness Month base sa Executive Order No. 84 series of 1999 pero ayon kay Elad, all year round ang kanilang rabies control program tulad ng house-to-house vaccination at pag huli ng galang aso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *