2- day training para sa vaccinators ng Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization sa buwan ng Mayo ginagawa ngayon sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isinasagawa ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang dalawang araw na training para sa mga vaccinators ng Measles Rubella bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) sa Mayo.

Nagsimula ang training of vaccinators kahapon, April 3 na magpapatuloy ngayong Martes, April 4 na inorganisa ng Department of Health Bicol katuwang ang Provincial Health Office.

Ang mga vaccinators ay nagmula sa iba’t- ibang Municipal Health Offices sa lalawigan.

Isa sa importanteng pre- implementation activity ng MR OPV SIA ay ang training ng mga vaccinators at iba pang stakeholders para sa proper vaccine handling, administration at cold chain management.

Ito ay upang maiwasan ang adverse events following immunization (AEFI) at para masiguro ang mataas na kalidad ng supplemental immunization activity.

Ang pagsasagawa ng MR OPV SIA sa May 2- 31, 2023 ay base na rin sa naging rekomendasyon ng World Health Organization at immunization experts na layong masugpo ang virus transmission ng measles at polio na sa kalaunan ay tuluyang mawala ang measles o tigdas sa bansa.

Ayon kay Provincial Health  Officer Dr. Arnel Francisco ito ngayon ang isa pinagkakaabalahan ng PHO at mga MHOs bilang paghahanda sa naturang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *