2 drug den sa Subic giniba, 12 arestado sa simultaneous operation ng mga otoridad

SUBIC- Giniba ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Subic MPS at Zamables PPO PIU ang dalawang drug den sa bayan ng Subic kahapon.

Kasabay nito ay naaresto rin ang labindalawa katao sa magkasunod na anti-drug operation sa Bgy. Matain at Calapacuan.

Umabot naman sa higit 27 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska na tinatayang nagkakahalaga ng higit 186,000 pesos.

Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Pdea Zambales

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published.