2 environment activists na sumuko, nilaglag ang militar at sinabing dinukot sila ng mga ito

Napilitan daw sumuko ang dalawang environment activists na napaulat na dinukot sa Bataan.

Iniharap sa isang pressconference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC sina Jhed Tamano at Jonila Castro na sila umano ang humiling na iharap sa media upang matapos na ang issue sa pagdukot sa kanila ng militar at sa halip ay dumaan sa legal na proseso ang kanilang pagsuko.

Ngunit nagbago ang lahat nang magsalita sina Castro at Tamano at nanindigan na dinukot sila ng militar sakay ng van.

Napilitan daw silang sumuko dahil pinagbantaan ang kanilang buhay. Hindi rin daw nila gustong mapunta sa kustodiya ng militar.

Maaalalang September 2 ng gabi nang maiulat ang pagkawala ng dalawa, na siyang kilala sa pagkakampanya laban sa kontrobersyal na Manila Bay Reclamation.

Ayon sa NTF-ELCAC, ang dalawa ay inuugnay sa rebeldeng grupong New People’s Army.

Nanindigan naman ang militar na sumuko at hindi dinukot ang mga environmental activists na sina Tamano at Castro.

Sa isang pahayag sinabi ni 70th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ronel Dela Cruz, ang ginawang aksyon nila ay ma rescue ang dalawa matapos na makatanggap ng report ukol dito.

Nanindigan din si Lt Col. Dela Criuz, na hindi nila alam ang sinasabi ni Tamano at Castro at ang pinaghahawakan anila ngayon aang pagpirma nila sa papel para mapasailalim sila sa kanilang kostodiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *