2 estudyante, binugbog ng tatlong estudyante na miyembro umano ng gang sa loob ng paaralan

Arestado ang tatlong menor de edad matapos na masangkot sa kaguluhan sa loob ng mataaas na paaralan sa Bgy. New Barbacan Roxas, Palawan.

Ayon sa VAWC Officer Jaspher Bacuel ng MSWDO-Roxas, pinagtulungan umano ng tatlong estudyante na bugbugin ang dalawang estudyante sa bandang ala-una ng hapon nitong Martes, May 9.

Ang mga sangkot ay edad 17 at 16 anyos na mga miyembro umano ng gang sa paaralan kabilang ang isa pang out of school youth na 17 anyos.

Paliwanag ng mga suspek sa MSWD, rumesbak lamang di umano sila matapos na “maagrabyado” ang isa nilang kasamahan.

Napag-alaman na una na umanong binugbog ng mga suspek ang mga biktima nitong gabi ng Lunes sa peryahan sa Barangay 2, Roxas Palawan.

Samantala, nahaharap sa reklamong physical injury at attempted murder ang tatlong estudyante na ngayon ay nasa lungsod ng Puerto Princesa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *