2 flights ng mga repatriated OFWS dumating sa SBIA nakaraang Linggo

Lumapag sa Subic Bay International Airport ang iba pang mga umuwing Overseas Filipino Workers sa bansa nitong Linggo.

Dalawang magkasunod na Philippine Airlines flight ang dumating sa SBIA lulan ang mga OFWs mula sa Abu Dhabi at Dubai.

Ito ay bahagi pa rin ng repatriation program ng gobyerno kung saan layon na matulungang makabalik sa bansa ang mga labis na naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay SBMA Chariman & Administrator Atty. Wilma Eisma sinisiguro ng pamunuan na ang mga pasaherong dumarating o lumalapag sa SBIA ay hindi nagmumula sa mga red-listed country.

Samantala, umabot na sa mahigit labing isang libong OFWs ang dumating sa SBFZ mula nang magsimula ang programa noong Hulyo.

Sampong flights naman ang naka-schedule sa SBIA hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Non-acidic na Vitamin C, makukuha sa Guard C Calcium Ascorbate Protektado ang kalusugan, nang hindi humahapdi ang Tiyan! ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C w.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *