2 ginang, arestado sa pagpupuslit ng t-shirt sa SM Batangas

Arestado ang dalawang ginang matapos na tinangkang ipuslit ang dalawang piraso ng T-shirt sa Department Store ng SM City Batangas, Brgy. Pallocan West, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Jennie May Morillo at  Melanie Ramirez, pawang mga taga-Naujan, Oriental Mindoro at naninirahan ngayon sa  Sitio Batis Itaas, Brgy. Tabangao Ambulong, Batangas City.  

Ayon sa imbestigasyon, nagkunwari umanong customer ang dalawa at tinangkang ipuslit ang GTW Urban T-Shirt na nagkakahalaga ng P798.00.

Nahuli ang dalawa ng guwardiya bago pa man nakalabas ng mall at narekober ang ipupuslit sanang mga items.

Nahaharap ngayon sa kasong Theft ang dalawang suspek na naka-kustodiya na sa custodial facility ng naturang himpilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *