2 himpilan ng pulisya sa unang distrito ng Albay, nagsimula nang mag-isyu ng national police clearance

LEGAZPI CITY – Nagsimula nang mag-isyu ng national police clearance ang dalawang mga himpilan ng pulisya sa unang distrito ng Albay.

Ito ay ang Tiwi at Sto. Domingo Municipal Police Station na mula ngayong araw ay maaari nang gawin ang naturang transaksyon at kumuha ng dokumento.

Hakbang ito upang mabawasan ang problema ng mga residente ng lugar na kinakailangan pang bumyahe papunta sa himpilan ng kalapit na lunsod.

Sa ngayon, masasama na ito sa listahan ng mga otorisadong magsagawa ng nasabing transaksyon kasama na ang sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Manito, Oas, Pio Duran, Polangui, Sto. Domingo, lungsod ng Legazpi, Ligao, at Tabaco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *