2 indibidwal na may mga kasong panghahalay, arestado

Arestado ang dalawang indibidwal na kapwa akusado sa kasong panghahalay, kung saan ang isa ay nasa listahan bilang most wanted person ng Sorsogon.

Sa bayan ng Donsol ay arestado ang 39-anyos na laborer na nakilalang si Antonio Tonga Orgela alias ‘Ato,’ may asawa at naninirahan sa Brgy Market Site ng nasabing bayan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br52 na may petsang Oktubre 22, 2022 sa kasong 2 counts of rape na walang itinakdang piyansa.

Itinuturing din ito ng Donsol MPS na kanilang No. 7 MWP.

Sa bayan naman ng Castilla ay hinainan ng kanyang warrant of arrest ang 30-anyos na si Fernando Madrazo Abina, may asawa, laborer at naninirahan sa Brgy La Union.

Naaresto ito ng pinagsanib na puwersa ng Castilla Police at CIDG-Sorsogon sa Brgy Milagrosa ng nasabing bayan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC 5th Judicial Region Br 51 sa kasong multiple  counts of statutory rape na may itinakdang mahigit P120K na piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *