2 Top NPA personalities at kasamahan nito sumuko sa militar

DAVAO CITY – Dalawang mga Top NPA personalities sa  Guerrilla Front 2, Southern Mindanao Regional Committee (GF2, SMRC) sa CPP-NPA,  kasama ang dalawa pang mga indibidwal ang sumuko sa mga tropa ng 1001st Infantry Brigade, 10th Infantry Division, Philippine Army  sa ilalim ng liderato ni Brigadier General Jesus P Durante III sa bukiring bahagi ng Maragusan, Davao de Oro.

Nakilala ang mga it na sina Alias Jeg/JR, Commanding Officer GF2, Alias Kevin/Jelong, Squad Leader, GF2  at Alias Ded-den, Squad Supply Officer, Sub-Regional Guerrilla Unit (SRGU), SMRC  na sumuko kahapon.

Kabilang sa mga sumuko ang asawa ni Alias Jeg na si Alias Dan-dan, Secretary sa GF2.

Nakapag-desisyon ang mga ito na sumuko sa gobyerno dahil nahihirapan na sila sa kanilang sitwasyon.

Nakatakdang isailalim ang mga ito sa protective custody ng 1001st Brigade at maaring maka-avail sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.