2 KaBrigada mula CDO at Cotabato – instant Milyonaryo sa ‘Milyong Saya sa Brigada’!!!

Umulan ng pa-premyo at Pamasko sa grand draw ng Milyong Saya sa Brigada Balik Biyaya promo Year 2!

Dalawa ang masuwerteng KaBrigada ang nakakuha tig-isang milyong Piso hatid ng Drivemax Herbal Capsule, at ng Powercells Herbal Capsule!

Sa ilalim ng supervision ng FDA, at mga brand managers ng Powercells at Drivemax, pinangunahan ni Brigada Group of Companies Chairperson and Chief Executive Officer (CEO) Elmer V. Catulpos, Executive Vice President (EVP) Yelcy Yasay-Catulpos, at Chief Operating Officer (COO) Amiee Jean C. Abelis ang pagbunot sa mga masuwerte nating mga KaBrigada.

Ang unang instant milyonaryo na inihatid ng Drivemax Herbal Capsule ay si KaBrigadang Ronaldo Sente mula sa Cotabato City habang nakatanggap din ng P20,000 ang suki niyang parmasya na Daily Dose Pharmacy.

Ang ikalawa namang milyonaryo naman na hatid ng Powercells Herbal Capsule ay si Kabrigadang Julianita de Jose mula sa Cagayan de Oro habang nakatanggap din ng P20,000 ang suki niyang parmasya na Diamond Drugstore.

Nakatanggap din ang limang mga Facebook Live viewers ng P500 worth of GCash.

Umaasa naman si Ma’am YYC na magiging ‘merry’ at ‘happy’ ang Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon ng mga masuwerteng nabunot.

Pinasalamatan naman ni EVC ang lahat ng mga KaBrigada na wala ring sawang tumutulong sakanilang mga kapwang nangangailangan.

Ayon kay EVC, hanga raw ang buong Brigada sa kabaitan at katapangan ng ating mga KaBrigada at umaasa raw silang magtutuluy-tuloy pa ang pagtutulungan.

Umaasa rin si EVC na lahat ng ating mga KaBrigada ay magiging successful tayong lahat para sa taong 2023.

Ang naturang programa ay bilang pasasalamat ng Brigada Healthline Corporation, at ng buong Brigada Group of Companies sa walang humpay na suporta ng ating mga mahal na Kabrigada.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *