2 kalalakihan, huli sa aktong pumuputol ng puno gamit ang chainsaw na walang permit

Arestado ang dalawang kalalakihan matapos na maaktuhang nagpuputol ng punong kahoy gamit ang chainsaw na walang kaukulang permit, ayon sa 2nd Special Operations Unit-Maritime Group.

Ang mga inaresto sa sitio lada barangay pangobilian Brooke’s Point ay sina Mania Rimel Salaza at Betican Rollano Licuman.

Sa ulat ng pulisya, nitong Sabado, naaktuhan umano ang dalawa na pinuputol ang puno ng Gmelina ngunit walang tree cutting permit.

Nahaharap sila sa paglabag sa Presidential Decree 705 ( Revised Forestry Code of the Philippines) at Republic Act 9175 (an act regulating the ownership, possession, sale, importation and use of chain saws).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *