2 kalalakihan, huli sa pamumutol ng punong bakaw sa Bataraza

Arestado ng pulisya ang dalawang kalalakihan matapos na mahuli umanong namumutol ng punong bakaw sa Sitio Tadtalad, Barangay Tarusan, Bataraza, Palawan.

Kinilala ng PNP ang mga hinuli na sina Armie Signay Puntas 59 anyos, Junjun Masteo Ramtab 25 anyos.pawang mga residente ng Tarusan.

Sa ulat ng Bataraza PNP, nakatakas ang isa nilang kasamahan na isang alyas โ€œEricโ€ at dala-dala umano nito ang isang chainsaw.

Isinumbong ang mga suspek sa awtoridad kaya agad na tinungo ang bakawan ng mga tauhan ng Bataraza kasama ang tauhan ng DENR-CENRO Brookes Point, Palawan / Rio-Tuba Monitoring station, PCSD, PNP Maritime 2nd SOU-Balabac SBU at 4th MC Philippine Marines.

Bandang alas-sais kagabi, ika-30 ng Oktubre ay nahuli sa akto ang mga suspek na pinuputol ang mga punong bakaw.

Nakumpiska sa dalawang nahuli ang labing-apat ( 14  ) na piraso ng round timber ng bakaw na may tinatayang halaga na Php37, 000.00.

Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 705 ang mga suspek at ang kasama nilang nakatakas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *