2 kalalakihan, sugatan sa pananaga sa Rizal, Palawan

Parehong isinugod pagamutan ang suspek at ang biktima nito sa nangyaring pananaga nitong madaling araw ng Miyerkoles, March 22 sa Barangay Punta Baja Rizal, Palawan.

Kinilala ang suspek na si Magno Ando Beltran, 59 anyos habang ang biktima naman ay kinilalang si Gardo Ambotong Angcar, 59 anyos, isang magsasaka at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng PNP, habang may kausap na dalawang katao ang biktima sa labas ng bahay ay bilang na lamang pumunta ang suspek sa kanilang kinaroroonan at sa hindi pa malamang dahilan ay bigla na lamang itong pinangtataga ang biktima gamit ang dala rin nitong bolo.

Sinubukan pa umanong ng awatin ng isang Rubin ang suspek subalit nabigo ito.

Samantala, dinala ang dalawang sugatan sa Rizal District Hospital kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *