2 katao, arestado dahil sa kasong robbery sa Legazpi City

Kulungan ang bagsak ng dalawang katao matapos itong maaresto sa Brgy. Bitano, Legazpi City, Albay dahil sa kasong robbery.

Ang mga suspek ay sina alyas “Ralph”, 18 anyos, binata, residente ng Brgy. Dinagaan; at si “Jestoni”, 19 anyos, binata, residente ng P-2, Brgy. Bigaa ng kaparehong lunsod.

Ayon sa report, hapon nang isinilbi ng Legazpi CPS kasabay ang RIU5 PIT 5 at iba pang yunit ang warrant of arrest laban sa mga suspek para sa nasabing kaso na may piyansang PHP48,000 bawat isa.

Sa ngayon, ang mga susspek ay nasa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *