2 katao, arestado sa drug buy-bust operation sa Daraga, Albay

Arestado ang dalawang katao sa drug buy-bust operation sa P-2, Brgy. Alcala, Daraga, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Junior”, 26 anyos, residente ng Brgy. Kilicao at “Ernie”, 39 anyos, construction worker at residente ng Purok 5, Brgy. Tagas, Daraga, Albay.

Ayon sa report, inaresto ng otoridad ang mga suspek matapos magpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang operation ng Daraga MPS, Albay PPO at iba pa.

Positibong kumagat sa pain ang suspek kung saan pinagbentahan nito ang posuer buyer ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaniniwalaang shabu sa halagang P15,000.

Sa pagsasagawa ng body search sa mga suspek, narekober sa kanila ang walong pirasong heat-sealed transparent plastic na suspected shabu na may timbang na 70 gramo at ang nasabing droga ay nagkakahalagang P700,000.

Ang mga suspek ay pansamantalang dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *