2 katao patay matapos masunog ang isang hot-air balloon sa Mexico

Dalawang katao ang namatay matapos masunog ang isang hot-air balloon na lumilipad malapit sa sikat na Teotihuacan archeological site sa Mexico.

Ang mga biktima ay isang 39-anyos na babae at isang 50-anyos na lalaki.

Ayon sa mga awtoridad, isang menor de edad din ang nagtamo ng second-degree na paso sa mukha pati na rin ang bali ng kanang femur.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *