2 katao patay ng manlaban sa otoridad matapos sitahin ng vandalism na “Duterte IBAGS” sa Guinobatan Albay

LEGAZPI- Patay ang dalawang katao matapos manlaban sa mga otoridad sa Brgy. Lower Binogsacan bayan ng Guinobatan lalawigan ng Albay kaninang ala una ng umaga.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Legazpi sa  Guinobatan Municipal Police Station, habang nagsasagawa sila ng pagpapatrolya, namataan ng mga ito ang dalawang lalaki na nagsasagawa ng vandalism malapit sa tulay ng barangay Banao na kung saan gamit ang isang pulang spray, isinulat nito ang salitang“DUTERTE IBAGS”.

Dahil dito sinita ng mga otoridad ang di pa nakikilang mga suspek subalit ng papalapit na ang pulisya ay bumunot ito ng di pa malaman na baril at nagpaputok.

Tinamaan umano ng dalawang beses ang police patrol ng Guinobatan PNP dahilan para dumepensa ito.

Nabaril ang mga suspek at sinubukan pa sanang dalhin sa malapit na hospital sa lungsod ng Ligao para sa medical treatment subalit deneklara na itong dead-on-arrival ng kanilang attending physician.

Samantalang sa pinanyarihan naman, narekober ng mga otoridad ang ibat ibang baril at bala.

kasama rito ang isang kalibre 45 na baril, isang kalibre 38 na revolver; isang itim na“RUSI” Motorcycle na walang plaka;  tatlong empty shell para sa kalibre 45; siyam na empty shell sa kalibre 5.56;  tatlong empty shell ng caliber 38 at tatlong iba pang bala.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung konektado ito sa isasagawang ika-lima at huling state of the Nation Address ni Presidente Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *