2 kritikal matapos na saksakin ng mga lasing na hindi pinabigyan na bumili ng alak

Kritikal ang dalawang lalaki matapos na undayan ng saksak ng dalawang lasing sa Barangay Mangsee sa Balabac, Palawan.

Ang mga biktima ay kinilala ng MDRRMO Balabac na sina Dilman Basirun Taril at si Jovani Yu.

Sa ulat ng Barangay Mangsee, ganap na 8:45 nitong gabi ng Lunes ay bumili sa isang tindahan ang mga suspek na sina Patte Bismani 27 anyos at si Assep Bassan 26 anyos na pawang taga- Mangsee.

Nagpumilit umano ang mga suspek na bumili ng alak subalit hindi sila pinagbigyan dahilan para sila’y sumigaw-sigaw.

Kalauna’y lumabas ng bahay ang biktimang si Dilman at pinagsabihan ang dalawa na umuwi na lamang pero bigla siyang sinaksak.  Ilang sandali pa ay lumabas na si Jovani para umawat ngunit inatake rin siya ng mga suspek.

Nagtamo ng parehong tama sa tiyan at tagiliran ang mga biktima kaya kinailangan nilang operahan ngayon sa pribadong ospital sa Puerto Princesa.

Samantala, nahuli ng pulisya si Bismani at ngayo’y nasa BALABAC-MPS habang si Asep Basit ay pinaghahanap pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *