2 libo nabakunahan sa unang araw ng 3-Day National Vaccination days sa Naga City

NAGA CITY –Target ng city goverment ng Naga na makuha ang herd immunity ngayon Disyembre, kaya dapat makapagbakuna ng apat na libong individual araw-araw ang lungsod, lalo pa at may 3-day National COVID-19 vaccination day na ipinatutupad sa buong bansa, simula kahapon.

Sa datus na inilabas Naga vax team kagabi, may nabakunahan silang nasa 1,014 sa JMR coliseum, 320 sa SM City Naga Atrium at 666 sa Barangay Concepcion Pequeña.

Ang mga nabakunahan ay mula sa kategoriya ng mga workers, empleyado at mga estudyante pati rin ang mga ordinaryong mamamayan ng lungsod.

Tumanggap din sila ng walk-in,sa mga hindi nakapag parehistro at nakapag pa book.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Liga President Antonio Dodit Beltran at ex-officio city councilor, sinabi nito na naniniwala silang maaabot ang herd immunity kung patuloy pang tataas ang bilang ng mga magpapabakuna sa bawat araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *