2 manlalaro mula sa Ateneo de Cebu nangakong maglalaro para sa Blue eagles

Dalawang manlalaro mula sa Sacred Heart School-Ateneo de Cebu ang inaasahang maglalaro para sa Ateneo de Manila University matapos mag-commit kay coach Tab Baldwin.

Ginawa nina Raffy Celis at Michael Asoro ang kanilang commitment sa Blue Eagles sa isang press conference na ginanap sa campus ng paaralan sa Mandaue City kahapon.

Si Celis na tubong Bacolod, ay nakapasok sa Mythical Team sa NBTC National Finals. Ang 6-foot-3 wing ay may average na17.3 points, 10.0 rebounds, 1.8 assists, at 1.0 steals nang tumakbo sila sa semis ng tournament.

Si Asoro ng Lapu-Lapu City naman ay may 17.8 points, kabilang ang tatlong triples, 3.3 rebounds, at 1.8 assists sa National Finals.

Tinuturing ni Baldwin ang pares bilang “two-way players” na maaaring mag-ambag sa Blue Eagles sa defensive end.

Magiging kwalipikado sina Celis at Asoro sa Season 86, kung saan ipaghtatanggol ng Blue Eagles ang men’s basketball championship.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *