2 market guards sugatan sa pananaksak sa NCPM ngayong Valentine’s Day

NAGA CITY- Sugatan ang dalawang market guards sa Naga City People’s Mall matapos umawat at madamay sa away ng dalawang grupo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Elmer Pilallano , Chief Security Unit, sinabi nitong nagsimula ang ramble sa pagitan ng dalawang grupo ng mga nagtitinda  sa hagdan at inawat ng market guards mag- aalas sinco ng umaga kanina Feb. 14.

Nakasaad sa ulat ng Naga City Police Office (NCPO) na sinaksak ang biktimang si  Ken John Agravante y Dela Cruz, 19-anyos ng Tabuco, Naga City ng suspek na siFrancis San Joaquin, 21-anyos ng Basud San Francisco, Camaligan Camarines Sur gamit ang kutsilyo. Na harang ng biktima ang kamay ng suspek kaya sa kamay tumama.  Tumakbo ang biktima pero hinabol pa ng suspek.

Sa puntog iyon , nakapag responde na ang market guard na si  Alvin Badong , 46-anyos ng Barangay Sta. Cruz, pero nakakuha ang suspek na si San Joaquin ng kahoy at hinampas si Badong , natamaan sa kilay habang ang isa pang market guard naman na si  Tomas Rentoy , 57-anyos ng  Calauag Naga City ay tinamaan din sa kilay.

Naaresto ng mga market guards ang suspek at narekober ang kahoy pati ang kutsilyo.

Nasa kostudiya na ng Police Station 1 ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *