2 miyembro ng Anakpawis, patay sa pamamaril

SORSOGON CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang miyembro ng grupo ng magsasaka ng Anakpawis Sorsogon Chapter, umaga noong Sabado, Enero 15 sa Brgy San Vicente, Barcelona, Sorsogon.

Kinilala ang maglive-in partner na sina Silvestre Erlano Fortades Jr alias Sanggantang, 64-anyos at Rosemarie Galias, 63-anyos parehong reisdente ng Brgy Poblacion Norte ng nasabing bayan.

Sa pahayag sa Brigada News ng Barcelona Police, umano’y malalim na imbestigasyon ang kanilang ikakasa sa nasabing insidente.

Ang maglive-in partner ay kapwa nagtitinda ng bawang, paminta at iba pang ‘rekado.’

Ang dalawa umano ay lulan ng tricycle nang tambangan ng apat na hindi kilalang suspek na lulan ng dalawang motorsiklo saka pinagbabaril ang mga ito.

‘Dead on the spot’ si Fortades habang naitakbo pa sa ospital si Galias subalit binawian din ng buhay bago pa man makarating sa pagamutan.

Ito na ang pangalawang insidente ng pamamaril sa lalawigan ngayon taon.

Isang araw bago ipatupad ang gun ban ay pinagbabaril ang isang rebel returnee ng kanyang dating kasamahan sa hukbo noong Enero 8 sa parehong bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *