LEGAZPI CITY – Kusang nagtungo sa Libon Municipal Police Station (mps) ang dalawang myembro ng Concepcion Criminal Gang upang sumurrender sa mga awtoridad.
Ayon sa Libon mps, boluntaryong sumuko sa nasabing himpilan ng pulisya ang dalawang suspek na di na pinangalanan pa alang-ala sa kanilang seguridad at kaligtasan ng kanilang pamilya.
Aniya, ang pagsuko ng mga ito ay para magbigay ng kanilang pahayag na pagbabalik loob sa gobyerno.
Titigilan na diumano nila ang pagsuporta sa notoryus na grupong ito, na naghahatid lamang ng takot sa kanilang lugar at pamilya.
Ang kanilang pagsuko ay paraan din ng paghikayat sa iba pang miyembro na magbalik-loob na rin sa pamahalaan upang tuluyan ng mabuwag ang kriminal na grupo, at mapanagot sa ibat-ibang iligal na gawain at mga krimeng kinasasangkutan lalo na ng lider nito sa si Gilbert Saysay Concepcion.
Dagdag pa nila, nais na din diumano nilang mamuhay ng mapayapa sa tamang pamamaraan.
Ayon pa sa mga ito, sila ay nahikayat ng magbalik loob dahil sa maayos na pagpapaliwanag ng mga kapulisan sa publiko tungkol sa ibat-ibang iligal na gawain at hindi makataong hanapbuhay ng Concepcion Criminal Gang, na talaga namang napakalaking sagabal sa pag kamit ng pang matagalang kapayapaan at mausbong na kaunlaran sa kanilang bayan.
Sinabi rin PCOL. ATTY. ARNOLD C SANTIAGO, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office, “Naway maging aral ito sa mga nagnanais pang pumasok sa Concepcion Criminal Gang.
Kailan man ay hindi magkakaroon mapayapang buhay at patuloy na pagkakaitan ng pamumuhay na normal kasama ang kanilang mga pamilya, sapagkat seryoso ang hanay ng kapulisan na lalo pang paigtingin ang paghahanap, at pagtugis sa mga natitira pang miyembro ng kriminal na grupo at sa mismong lider nito.
Nawa’y patuloy itong maging halimbawa sa iba pang miyembro, at tagapasuporta sa Concepcion Criminal Gang.
BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya…
Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa…
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…