2 miyembro ng NPA na namatay sa engkwentro, nakilala na

Nalaman na ang pagkakakilanlan ng dalawang miyembro ng NPA na nasawi sa nangyaring engkwentro sa Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM SA 5TH Infantry Division, Philippine Army, nakilala ang mga nasawi matapos kumpirmahin ng mga dating rebelde na sumuko sa pamahalaan.

Ang nasabing mga NPA member na nasawi ay sina alyas Sisoy, tubong Davao Del Norte at squad leader ng nabuwag na Komiteng Probinsya-Isabela.

Bago napunta si Sisoy sa Baggao noong 2021 ay unai tong nasa Maconacon, Isabela ngunit noong 2017 ay ganap naman itong naging miyembro Regional Sentro De Grabidad.

Nasawi naman sa pangalawang engwentro si Paolo Macaraeg alyas Tobby, Finance Officer ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley at mula sa Cavite.

Napag-alaman na sangkot si alyas Tobby sa pananambang sa safehouse ng Military Intelligence Group sa Baggao taong 2017 ngunit nang nabuwag ang Komiteng Probinsya-Isabela ay inilipat ito noong 2022 sa Komiteng Probinsya-Cagayan.

Kasalukuyan nang gumagawa ng paraan ang kasundaluhan upang ipaalam sa pamilya ng dalawang nasawi ang nangyari habang hinikayat naman ang iba pang natitirang miyembro ng kilusan na sumuko na sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *