Bumagsak na sa kamay ng Laguna Police Provincial Office ang dalawang lalaking itinuturing na Most Wanted Person Provincial Level sa magkahiwalay na manhunt operasyon na ginawa ng pulisya.
Kinilala ni Laguna PPO, Officer-in-charge, Police Colonel Harold Depositar, ang mga suspek na sina alyas “Melchor” at alyas “Cherielyn”.
Sa ikinasang manhunt operation ng Pila Municipal Police Station naaresto si Melchor sa ganap na alas otso ng gabi sa Brgy. Aplaya, Pila, Laguna.
Samantala, sa hiwalay na operasyon ng Paete Municipal Police Station naman nahuli si Cherielyn sa ganap na alas syete ng gabi sa Brgy 2 Maytoong, Paete, Laguna.
Parehong humaharap ang mga nasabing suspek sa kasong Qualified Theft.
Kasalukuyan na ring nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating unit ang dalawang naaresto.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Depositar sa pakikipagtulungan ng mamamayan sa pulisya para sa matagumpay na pagkahuli ng dalawang suspek.