2 most wanted sa kasong Statutory Rape, huli sa Palawan

Himas rehas na ang Top 10 Most Wanted Person (Rank No. 6, Provincial Level) sa Barangay Magara, Roxas, Palawan nitong Linggo, ika- 19 ng Pebrero 2023.

Ang suspek ay si Jinky Ubay Apacible, 32 anyos, magsasaka na resdiente ng Barangay Magara.

Sa ulat ng Palawan PPO, si Apacible ay hinuli ng Roxas MPS (lead unit), PIDMU Palawan, PIU Palawan, 2nd PMFC Palawan, 401st B MC RMFB, RID-CIT Palawan,MBLT-3 at  PHPT Palawan bitbit ang arrest warrant mula kay Judge Emmanuel Quial Artazo.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kaso ng suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng Roxas PNP.

Samantala, sa Brgy. Liminangcong, Taytay, Palawan ay nahuli din ng mga pulis si Jericho Son Bonite, 19 anyos, mangingisda dahil sa kaso rin na Statutory Rape na wala rin piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *