2 OFWs nanganak habang naka-quarantine sa SBFZ

Nanganak ang dalawang returning Overseas Filipino Workers na naka-quarantine sa mga accredited accommodation facility sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito ay ilang araw mula nang dumating sa Freeport sakay ng Philippine Airlines nakaraang July 7.

Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, ang una ay isang 32-anyos na residente ng Cavite na nanganak noong July 9 matapos dalhin ng Bureau of Quarantine sa isang ospital sa Olongapo habang ang ikalawa namang OFW ay isang 36-anyos na taga-North Cotabato na nanganak noong July 10.

Maayos naman umanong nakapanganak ang mga ito at malusog ang kanilang mga sanggol.

Matatandaan na katuwang ng national government ang SBMA sa pagtanggap ng mga repatriated OFWs.

Kapag natapos ng mga ito ang quarantine period at may neagatibo ng RT-PCR test results ay makakauwi na rin sa kanilang mga pamilya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production Department

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published.