LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol na mayroon pang dalawang paaralan na nasa loob ng 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon, at ito ang Calbayog Elementary School ng Malilipot at Magapo Elementary School ng Tabaco City.
Ayon kay DEPED Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil, sa isinagawang ManCom meeting, mayroon nang kautusan si RD Gilbert Sadsad sa division offices na kinakailangan nang isara ang nabanggit na mga paaralan.
Kinakailangan umanong makipag-uganayan ang mga SDOs sa LGUs sa pagsasara ng mga ito, at sa oras na tuluyang maisara, hindi na ipapagamit ang mga paaralan sa mga mag-aaral.
Dahil dito, kinakailangan nang maghanap ng lugar na paglilipatan ang LGU upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag aaral.
Aabot sa humigit-kumulang sa 2,000 mag-aaral ang apektado sa pagsasara sa mga nabanggit na paaralan.
Tinatayang nasa humigit-kumulang 100 din na mga guro sa mga paaralang nabanggit ang apektado.