2 Palaweño na umanoy biktima ng illegal recruitment, nalason sa Malaysia- patay!

Bangkay na nang muling makita ng kanilang mga kamag-anak ang dalawang Palaweño na mula sa bayan ng Roxas, Palawan.

Ito ay matapos silang malason sa bansang Malaysia at mamatay habang nasa Ospital sa bayan ng Balabac, Palawan nitong Lunes, March 13, 2023.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ramon Socrates Abis at kaanak din na si Artimio Socrates Alcantara na nagtrabaho doon bilang mga planters sa Palm Oil Company, ayon sa MDRRMO Balabac.

Ayon sa nakatatandang kapatid ni Ramon na si Romy,  pauwi na sana mula sa Malaysia ang dalawa ngunit habang sila’y nasa trabaho ay nakaramdam ang mga ito ng kakaiba.

Kalauna’y dinala sila sa Balabac Hospital kung saan sila na-admit hanggang sa namatay, at ayon sa doktor na sumuri ay “food poisoning” ang sanhi ng kanilang kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *