2 pamilya na nawalan ng bahay matapos natumbahan ng punong kahoy, nag-apela ng tulong

KORONADAL CITY-NANAWAGAN ngayon ng tulong ang dalawang pamilya sa Sitio Old El Gawel, Barangay Saravia matapos na natumbahan ng malaking puno ng kahoy ang kanilang mga bahay kahapon.

Kinilala ang dalawang nagmamay-ari ng bahay na sina Rowena Saunan, may asawa at tatlo mga anak at si Sunshine Men may asawa at isang anak.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa mga biktima, halos walang naiwan sa kanilang mga gamit at kasama sa mga hindi na mapakinabangan ay ang kanilang tinatagong bigas.

Sa ngayon nakikituloy lamang ang dalawang pamilya sa kanilang mga kapitbahay.

Umaasa naman ang mga ito na mapadali ang shelter assistance ng City Government ng Koronadal upang makapagsimula na ang mga ito sa pagpapatayo.

Sa mga gustong tumulong, nangungunang pangangailangan ng pamilya ay bigas at kitchen utinsels kagaya na lamang ng baso, plato, kaldero.

Maaari lamang ihatid ang mga ito sa himpilan ng Brigada News FM Koronadal sa mga tulong na pero narito ang ating Gcash number : 0998-5568-140.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *