Dalawa pang bansa ang nag-alok na mag-donate ng bivalent COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa mga hindi binaggit na bansa para i-finalize ang kasunduan.

Sa briefing noong nakaraang linggo, inihayag ni Vergeire na ang isang bansa ay nangako na mag-donate ng higit sa 300,000 bivalent vaccines.
Ang mga bivalent vaccines ay mga modified jabs na nagta-target sa omicron variant at ang original form ng virus.
Samantala, sinabi ni Vergeire na mayroong 1 million doses ng bivalent vaccines mula sa COVAX facility ang inaasahang darating sa bansa sa katapusan ng Marso.//CA