2 pang grain shipments, umalis na ng Ukraine papunta Turkey, SoKor

Dalawa pang more cargo ships na naglalaman ng grain ang umalis ng Ukraine, sa ilalim ng kasunduan sa Russia na luwagan ang agricultural exports mula sa Ukrainian ports na naharang dahil sa giyera.

Ayon sa infrastructure ministry, umalis ng port of Chornomorsk ang dalawang ships na may lulang 70,000 tonelada ng agricultural products.

Sinasabing ang isang barko, ang Rahmi Yaggi ay papuntang Turkey dala ang 5,300 tonelada na mga produkto, habang ang Ocean Lion na may dalang 65,000 tonelada ng mais ay papunta naman ng South Korea.

Dahil dito, may kabuoang 12 barko na ang umalis sa tatlong iba’t-ibang Ukrainian Black Sea ports sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan noong huling bago ng Hulyo ng UN at Turkey.

Ang Exports mula sa Ukraine na isa sa pinakamalaking grain producers sa buong mundo ay naantalas nang harangin ng Russian naval at Ukrainian mining ng mga ports.

Leave a Reply

Your email address will not be published.