2 patay, 10 sugatan sa shooting sa Norway

Dalawa ang patay habang sampu (10) ang sugatan sa nangyaring shooting sa nightclub sa Oslo Norway.

Ayon sa report, isang lalaki ang dumating sa isang gay bar and nightclub at walang sabi-sabing namaril.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspect sa hindi kalayuan sa lugar ng krimen.

Hindi pa malinaw ang motibo ng suspect sa krimen habang hindi agad inilabas ang pangalan ng suspect

Itinaas naman sa red alert ang Oslo University Hospital kasunod ng insidente dahil sa pagdagsa ng mga biktima sa krimen.(LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *