2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Tboli, SoCot

KORONADAL CITY — DALAWA ang patay habang apat ang sugatang sa salpukan ng dalawang motorsiklo kagabi sa kahabaan ng Barangay Road, Barangay New Dumangas, T’boli, South Cotabato.

Ayon sa Tboli PNP, patay sa aksidente ang driver na si Steven Mark Mann, 17-anyos, estudyante, habang sugatan naman ang dalawang angkas nito na sina Wellyber Kayaw Kalan, 20 anyos, at Norman Galuyan Faan, 18 anyos, pawang mga residente ng Sitio Lob, Barangay New Dumangas sa nasabing bayan.

Patay din ang driver ng nakabanggaan nitong motorsiklo na kinilala lamang na si Alyas Boyet habang sugatan din ang mga angkas nitong sina Christopher Domasia, 18-anyos, at Cristitoto Domasia, 30 anyos, pawang mga residente ng Barangay Denlag, Lake Sebu.

Sa imbestigasyon ng Tboli PNP, magkasalungat ang direksyon ng dalawang motorsiklo nang magkasalpukan. Kapwa dead on the spot ang dalawang driver habang sugatan naman ang kani-kanilang mga sakay na agad isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nasa pag-iingat na ng Tboli PNP ang mga motorsiklong nasangkot sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *