Dalawa ang patay habang anim naman ang sugatan sa aksidente sa bayan ng Gumaca, Quezon madaling araw ng Lunes, Mayo 31.
Nangyari ang aksidente bandang 1:30 ng umaga.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Gumaca Pulis, patungong Bicol ang Toyota Innova na minamaneho ni Rolando Florano, 61 anyos at residente ng Caloocan City nang salpukin sila ng elf truck na minamaneho ni Michael Angelo Lazaro, 28 years old at residente ng Valenzuela City sa bahagi ng intersection ng Brgy. Bagong Buhay at Brgy. Pipisik sa Maharlika Hi-way ng nasabing bayan.
Sakay ng driver sina Rodolfo Florano, Adrian Matangod, Danilo Dominic, Rochelle Periabras, Romel Periabras at dalawang iba pa na wala pang pagkakakilanlan.
Sa lakas ng pagbangga ay natumba ang sasakyan na minamaneho ni Florano.
Naisugod pa ang mga biktima sa Gumaca District Hospital at RAKKK hospital ngunit idineklara rin si Romel Periabras at ang isa pa na dead on arrival. | via Brian Zagala, BNFM Lucena
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…