2 patay , 7 na-ospital sa pananakit ng tiyan sa Kidapawan City Jail

Dalawa ang nasawi habang pito ang patuloy na nagpapagaling sa ospital sa mga preso sa Kidapawan City Jail, Cotabato matapos nagkaroon ng amebiasis outbreak nito pang Lunes.

Ayon kay City Jail Warden Chief Inspector Teddy Uchie sa naging panayam ng Brigada News Kidapawan, abot 35 mga preso na nasa iisang selda lamang ang nagkaroon ng pananakit ng tiyan ngunit 9 lamang ang isinigud sa ospital.

Patay ang dalawa sa mga preso dahil sa hindi nakayanan ang pananakit ng tiyan at dehydration habang nagkaroon narin ng komplikasyon ng sakit.

Dagdag ni Uchi, dahil nasa lumang selda nakalagay ang 35 mga preso ay posible umanong kontamido ang tubig ng gripo na kanilang iniinom na nasa loob ng kanilang Comfort room.

Nag-imbestiga na rin ang City health office sa nakain o nainom na tubig ng mga Person Deprived of Liberty.

Habang Namigay na rin ng mineral water ang Bureua sa mga preso hanggang sa ma resolba ang kaso.(BNFM KIDAPAWAN)

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *