Dalawa katao ang patay matyapos bumagsak ang isang Russian-made MiG-21 military aircraft sa isang bahay sa India ngayong araw.
Kinumpirma ng Indian Air Force ang pag-crash at ligtas naman matapos maka eject ang piloto habang tatlo naman ang nasugatan.

Noong July 2022, dalawang piloto ang namatay nang bumagsak rin ang isang MiG-21 sa isang training sortie sa Rajasthan.
Ito na ang ikaanim na insidente na kinasasangkutan ng sasakyang panghimpapawid simula noong 2021 kung saan limang piloto na ang namatay.