2 patay matapos malunod sa isang private beach sa Puerto Princesa

Patay ang dalawang kalalakihan matapos na malunod sa Private Beach sa Barangay Simpocan, Puerto Princesa City nitong Linggo ng hapon, ika- 18 ng Disyembre 2022.

Ayon sa Police Station 2 ang mga biktima na isang 36 anyos at isang 33 anyos na isang Architect, pawang mga lalaki.

Sa report ng PS2, ayon sa inihayag ng mga asawa ng biktima, plano na umano nilang umalis sa beach resort subalit naligo pa rin sa dagat ang isang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sinaklolohan ito ng isa pang biktima ngunit dahil sa hampas ng malalaking alon ay hindi na sila nakarating ng ligtas sa dalampasigan.

Sinubukan din silang hanapin at isalba ng mga tao sa lugar pero bangkay na ito nang sila’y nakita sa tabing- dagat.

Idineklarang Dead on Arrival sa pribadong ospital sa Puerto Princesa ang mga biktima, ayon pa sa PS2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *