2 patay nang mabangga ng bus ang tricycle sa Milaor , Camarines Sur

CAMARINES SUR-Patay ang driver at isang pasahero ng tricycle sa aksidente sa Milaor, Camarines Sur.

Ayon kay Municipal Risk Reduction and Management Officer Edwin Olitoquit, nangyari ito bandang alas-8 ng gabi Mayo 8 sa Barangay Balagbag. Kung saan  binabaybay ng tricycle na dala ni Jose  Sarion , 58 anyos residente ng Barangay San Antonio ang daan patungo sa centro ng bayan , nabangga ng bus na dala ni Rolando Cambiado , 60-anyos ng Bagumbayan Baao.

Sa imbestigasyon ng PNP Milaor nakasaad na tumatawid sa kalsada ang tricycle nang mabangga ng bus na mula sa Naga City patungo sa Maynila.

Patay ang driver ng tricycle at pasaherong si Francia Mabesa, 45-anyos habang sugatan ang 18-anyos na si Allyza Mea Antonio.

Inaalam ang mga otoridad ang desisyon ng pamilya ukol sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury and Damage to Property.

Paalala naman ng MDRRM Officer sa mga tricycle driver huwag dumaan sa National Highway , kung hindi aniya maaari dahil kung walang ibang daan, magdoble ingat lalo na napakalawak ng kalsada sa nasabing bayan.  Nakikiusap din sa mga driver ng malalaking sasakyan na huwag magpatakbo ng matulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *