2 patay sa banggaan ng trike at e-jeepney sa Tayabas City Bypass Road

Dalawa ang patay sa banggaan ng isang trike at e-jeepney na byaheng Lucban sa Bypass Road sa bahagi ng Brgy. Ilayang Nangka, Tayabas City nitong Lunes, Mayo 10.

Ayon sa Pulis Tayabas, nangyari ang insidente dakong 6:50 ng gabi, batay sa tawag ng isang concerned citizen sa himpilan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnold Reforsado Gonzales, 41 anyos, driver ng tricycle at residente ng Brgy. Mateuna Tayabas City; at ang sangkay nito na hindi pa nakikilala.

Nangyari ang salpukan sa bahagi ng narrow-road bridge sa Bypass Road, Brgy. Ilayang Nangka, Tayabas City.

Binabagtas ng Lucban Genesis Transport Modernized Public Utility Vehicle na minamaneho ni Ryan Enriquez, 39 anyos at residente ng Brgy. Ayuti Lucban, Quezon ang daan pa-Lucban habang sa direksyon naman patungong Lucena City ang trike nang aksidente silang magsalpukan sa isang makitid na tulay.

Naitakbo pa ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Office ang driver at sakay ng trike sa Quezon Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayabas Police Station si Enriquez, na mahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property. | Photo by BFP Tayabas City via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *