2 patay sa pamamaril sa isang train station sa Brussels

Patay ang dalawang indibidwal habang sugutan naman ang 2 katao matapos ang nangyaring pamamaril sa isang train station sa Brussels.

Ayon sa pulisya mabilis na tumakas ang suspek matapos ang nangyaring krimen.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan at ang motibo ng suspek sa insidente.

Hindi naman inaalis ng mga kapulisan na ang motibo na insidente may kaugnayan sa iligal na droga dahil kilala ang lugar na talamak ang ilegal na droga sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *