Hindi na nakaligtas pa ang dalawang pilotong sakay ng eroplano ng Philippine Air Force na bumagsak sa bahagi ng Sitio Tabon, Barangay Del Rosario sa Pilar Bataan kahapon.
Isang SIAI-Marchetti SF260 fixed wing aircraft ang bumagsak sa nasabing lugar na ikinasawi nina Captain Ian Gerry C. Pasinos at Captain John Paulo Oviso na kapwa servicemen ng Philippine Air Force.
Hanggang sa mga oras na ito ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente upang alamin ang naging dahilan ng pagbagsak nito.
Lubos namang ikinalulungkot ng buong hukbong himpapawid ang naturang aksidente ngunit tiniyak nila na magpapatuloy sila sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa bansa.
Ang SIAI-Marchetti SF260 ay isang fixed wing aircraft na ginawa noong taong 1994 at unang ginamit ng Philippine Air Force Flying School para sa kanilang military pilot training.
Patay ang isang lalaki matapos tambangan ng tatlong lalake. Kinuha rin ng mga salarin ang…
CAMARINES SUR — Nagkalat ngayon sa kasentruhan ng Tigaon, Camarines Sur ang mga namamalimos na…
NAGA CITY- Problema pa rin sa lungsod ng Naga ang polusyon sa plastik sa kabila…
LEGAZPI CITY – Naarestar an sarong 25 anyos na lalaki sa isinagibong operasyon sa Purok…
LEGAZPI CITY – Nagsagibo nin Beekeeping Workshop an Albay Provincial Agricultural Office (APAO) sa Beefarm,…
LEGAZPI CITY – Pigsiyerto kan Philippine National Police – Police Regional Office 5 (PNP-PRO5) an…