2 PNP generals at 8 iba pa pinapag-leave of absence ng DILG dahil sa massive cover-up sa drug case ni Police Msgt. Mayo

Dalawang PNP generals at walo pang high ranking officials ng PNP ang tinangka umanong pagtakpan ang drug case ni Police Msgt. Rodolfo Mayo Jr.

Dahil dito, ipinag-utos na  ni DILG Secretary Benhur Abalos na mag-file ng leave of absence o mahaharap sa suspensyon ang sampung opisyal sa gitna ng umano’y pagkakasangkot nila sa coverup sa bilyong halaga ng shabu na nasabat mula kay Mayo noong 2022.

Sinabi ni Abalos na kabilang sa mga sangkot ay ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group na si Police Brig. Gen. Narciso Domingo at ang dating number 3 sa PNP na si Police Lt. Gen. Benjamin Santos.

Matatandaang si Mayo na miyembro ng PDEG-NCR ay nahulihan ng nasa dalawang kilo ng shabu noong October 8, 2022 sa Quiapo, Maynila at siya ring may-ari ng Western Police District (WPD) Lending Inc. sa Sta. Cruz, Maynila kung saan nakumpiska doon ang nasa 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *