2 pulis injured, matapos mauwi sa gulo ang operasyon vs. ilegal na paggamit ng kuryente sa Tabaco City

LEGAZPI-2 pulis ang sugatan matapos mauwi sa gulo at ingay ang sanay mapayapang operasyon kontra sa illegal na paggamit ng kuryente sa Barangay Bacolod Tabaco City.

Sa video na kumakalat ngayon sa social media, kita ang naganap na kumosyon sa pagitan ng mga residente at otoridad.

Ilan sa mga ito ang nagbabatuhan at nagkakasakitan na pisikal para huwag lamang matuloy ang pagputol sa kuryente.

Ayon sa report, nagtungo sa lugar ang mga kapulisan ng Tabaco City Police Station sa pangunguna ni PLTCOL Edgar Azotea para makontrol ang sitwasyon subalit dalawang pulis nila ang nagtamo ng injury dahil sa pangyayari.

Makikita rin na isang lalaking nakacivilian ang ang tinutukan ng baril ang isang lalaki na pumulot ng bato.

Wala pang opisyal na pahayag ang PNP, APEC at barangay hinggil sa isyu tungkol sa insidente.

Kung matatandaan, dati na nagkaroon ng isyu ang barangay dahil sa malaking utang sa apec sabayan pa ng umano illegal connection sa kuryete.

Noong isang taon, isa ito sa mga barangay na ilang buwan pinutulan ng suplay ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.