2 Pulis na sangkot sa pagkamatay nina ‘Kulot’, hinatulan ng guilty

Convicted na sa kasong torture at planting of evidence ang pulis na si Police Officer 1 Jeffrey Perez.

Ito ay hinggil sa pagpatay sa dalawang mga teenagers sa kasagsagan ng kampanya laban sa iligal na droga ng nagdaang administrasyong Duterte.

Inilabas ng Public Attorneys’ Office ang desisyon ng Caloocan Regional Trial Court Branch 112 para sa prosecution ni Perez at ng kanyang kapwa-akusado na si Police Officer 1 Ricky Arquilita, na namatay naman noong 2019 sa loob ng kulungan dahil sa hepatitis B.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Hinggil ito sa pagkamatay noong 2017 nina ex-UP Student na si Carl Angelo Arnaiz, edad disi-nueve; at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman, katorse-anyos.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Hinatulan ng guilty si PO1 Perez para sa lahat ng mga criminal charges na isinampa laban sa kanya.

Mahaharap ito sa reclusion perpetua, two terms ng life imprisonment, at pagbabayad ng P1Million para sa moral damages; at karagdagang P1Million para sa exemplary damages.

Matatandaaang namatay ang dal’wa sa kasagsagan ng anti-illegal drugs opearation sa Caloocan City.
#