Na-inquest na ang dalawang pulis na umanoy sangkot sa panggagahasa sa isang 18 taong gulang na nagsisilbi bilang isang masahista sa isang KTV bar sa Zamboanga City.
Sa panayam ng 89.9 Brigada News FM Zamboanga sa tagapagsalita ng Police Regional Office 9 na si Police Major Shiela Mae Tubo Chang ang dalawang Patrolman na suspek ay nakatalaga sa PRO-9 at inireklamo sa panggagahasa sa isang dalaga.
Dagdag ni Chang ang ganitong klaseng insidente ay hinde ito-tolerate ng pulisya , kaya kanila itong parusahan naaayon sa proseso at batas, dahil hinde umano nila hahayang masira ang pangalan ng Philippine National Police dahil lamang sa kanilang maling gawain.

Ayon kay Chang isinumete na rin PRO-9 Regional Director Police Brigadier General Franco Simborio ang kasong ito sa Regional Investigation and Detective Division upang maimbestigahan at kung napatunayan na nagkasala ang mga ito ay haharap ang mga ito sa kasong administrtivo.
Samantala aasahan namang isa publiko ng PRO-9 ang pagkakilanlan ng dalawang suspek na nasangkot sa eskandalo. Kathrina Aniñon