2 pulis on duty binaril-patay sa Naga City; suspek na kabilang sa drug watch list nasawi rin

NAGA CITY- Patay ang dalawang pulis matapos barilin ng 33-anyos na kabilang sa drug watchlist sa Naga City.

Sa pahayag sa mga miyembro ng media ni City Director PCol. Marlon Catan sinabing nangyari ang unang pamamaril bandang alas 6:30 Sabado ng gabi sa Caceres Street Barangay Dinaga kung saan nasa duty pa ang pulis na si PCMsgt. Romeo Padua ng Police Station 1, mula sa likod nito may biglang pumalo gamit ang dalang tubo, dahilan upang matumba ang pulis at nang mawalan ng malay kinuha o inagaw ang baril saka pinutukan sa ulo ng suspek na si Jericho Cano Y Verdejo, 33-anyos.

Nirespondehan ng mga personahe ng PNP Naga si Padua ngunit sinawimpalad.

Dahil sa insidente nagsagawa kaagad ng flash alarm, ayon pa kay CD PCol.Catan , naglakad ang suspek bitbit ang armas ng pulis. Naroroon naman sa Zone 4,Barangay Tabuco ang isa pang pulis na si PCpl. Christian Del Valle ng Station 5, residente ng Albay, binaril din sa ulo ng suspek at namatay.

Umuwi si Canao patungo sa Spokoi , Barangay Sabang at sa hot pursuit operation ng iba’t-ibang unit ng PNP tulad ng City Intelligence  Unit, SWAT at Station 1 , doon naabutan ng mga otoridad.

Sa halip na sumuko nakipagbarilan pa si Cano gamit ang armas ni Padua. Nasawi ang pedicab driver na si Cano na una nang sumigaw na “Hit man”.

Ayon pa kay CD Catan, naiparehab na si Cano noon, nasa watchlist din ng Barangay.

Sinabi naman ng PSMS Tobi Bongon, tagapagsalita ng PNP Naga na inamin ng kapatid ng suspek na lagi itong gumagit ng ipinagbabawal na gamot, iba-iba na rin ang ugali.

Dagdag ni Bongon na dati nang pabalik-balik sa kulungan si Cano dahil sa theft cases nakulong na rin dahil sa pagpatay noong 2016. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kabaro sa hanay ng PNP, ayon kay Catan nakakapanghinayang at nakakapanlumo na nawalan sila ng kasamahan. Kinikilala ng NCPO ang kanilang kabayanihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *