2 sanggol, kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Albay

LEGAZPI CITY – Dalawang sanggol ang napasama sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay kahapon.

Sa datos ng Albay Provincial Health Office (PHO), positibo sa nasabing sakit ang labing-isang buwang gulang na sanggol mula sa Pawa, Tabaco City at ang walong buwang gulang na sanggol mula sa Cale, Tiwi.

Ngayon ay inaalam pa ang history ng kanilang exposure sa nasabing sakit.

Sa kabuuhan, tatlumpu’t apat na mga kaso ang naidagdag sa bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Albay.

Sa kaparehong datos, labingtatlong kaso ang naitala sa Legazpi City; siyam sa Daraga; 5 sa Tabaco City; tigdalawa sa Santo Domingo at Tiwi; habang tig-iisa naman sa Guinobatan, at Malilipot.

Rekomendasyon ng PHO ang patuloy na pagtalima sa mga ipinatutupad na minimum health protocols kahit pa nasa alert level 1 ang lalawigan, at magpabakuna upang maiwasan ang malalalang sintomas ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *